Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap: relasyon ng dalawang bansa, pasusulungin

2018-04-09 12:10:15 CRI

Nag-usap Abril 8, 2018 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Sa pag-uusap, ipinahayag ni Premyer Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para patibayin ang pagtitiwalaang pampulitika ng dalawang panig upang ibayong palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.

Binigyang diin ng Premyer Tsino na, sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas sa taong ito, at ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipagpapatuloy ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, pangangalaga sa malayang sistemang pangkalakalan ng mundo, at pagtatatag ng komunidad ng interes at kapalaran ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang bilang tagapangulong bansa ng ASEAN at tagapagkoordinang panig ng Tsina at ASEAN, ipagpapatuloy ng Singapore ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong na nakahanda ang Singapore na pasulungin ang pakikipagtulungan sa Tsina, at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN. Aniya, suportado rin ng Singapore ang multilateral na malayang sistemang pangkalakalan, at trade facilitation ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino