Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap: pasusulungin ang estratehikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan

2018-04-10 09:43:26 CRI

Nag-usap Abril 9, 2018 sa Beijing sina Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina at Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore.

Sa pag-uusap, ipinahayag ni Wang na ang pag-unlad ng daigidg ay magbibigay-tulong sa pag-unlad ng Tsina, at ang pag-unlad naman ng Tsina ay makakatulong din sa pag-unlad ng daigdig. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pinalawak na pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas. Sinabi niyang bilang estratehikong magkatuwang, ang kooperasyon ng Tsina at Singapore ay pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. 

Ipinahayag naman ni Lee na nananatiling mainam ang relasyong Sino Singaporean. Positibo aniya ang Singapore sa konstruktibong papel ng Tsina sa sistema ng pangangasiwang pandaigdig. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang ugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, para ibayong palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino