Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap: pragmatikong estratehikong pagtutulungan, pasusulungin

2018-04-11 10:34:03 CRI

Boao, Hainan-Kinatagpo Abril 10, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagsasagawa ng bagong estratehiya ng Tsina at Singapore hinggil sa bilateral na relasyon at pragmatikong pagtutulungan, alinsunod sa bagong kalagayang pangkaunlaran ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang pasusulungin ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig, pahihigpitin ang pagtutulungan batay sa balangkas ng “Belt and Road Initiative,” at ibayong palalakasin ang konstruksyon ng “Southern Transport Corridor.” Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para pahigpitin ang pagpapalitan at pagkokoordina, upang maisakatuparan ang ugnayan ng “Belt and Road Initiative” at estratehiyang pangkaunlaran ng ASEAN, at maitatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN.

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Lee na kinakatigan ng Singapore ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng komunidad ng daigdig para malutas ang ibat-ibang hamong kinakaharap ng sangkatauhan, at pagpapasulong ng pagtutulungan ng ibat-ibang bansa sa daigdig, sa pamamagitan ng konstruktibong paraan. Nagsisikap aniya ang Singapore para palalimin ang relasyong Sino-Singaporean, at pagtutulungan ng dalawang panig batay sa “Belt and Road Initiative.” Positibo rin aniya ang Singapore sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino