Mga dayuhang lider sa BFA, positibo sa reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina

2018-04-11 11:26:38 CRI

Sa kani-kanilang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos kahapon, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, binigyan ng mga dayuhang lider ng mataas na pagtasa ang mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, na ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Anila, ang patuloy na pagpapasulong ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas ay makakatulong sa komong kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na nagkakaroon ang iba't ibang bansa ng komong interes at komong responsibilidad sa pagpapasulong ng mas masaganang Asya at daigdig. Ang kooperasyon aniya ay landas tungo sa pagsasakatuparan ng pangarap na ito.

Sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na sa pamamagitan ng 40-taong reporma at pagbubukas sa labas, naisakatuparan ng Tsina ang malaking pagbabago ng bansa mismo, at ng relasyon nito sa daigdig.

Ipinahayag ni Pangulong Alexander Van der Bellen ng Austria, na sa kasalukuyan, mayroon kapwa pagkakataon at hamon sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng daigdig, at dapat pahalagahan ang papel ng Tsina at Asya sa usaping ito, at ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa.

Sinabi ni Punong Ministro Ukhnaagiin Khurelsukh ng Mongolia, na nagbigay ang Tsina ng malaking ambag sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Nananalig din aniya siyang, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, magbibigay ang Tsina ng mas malaking ambag sa daigdig.

Hinahangaan ni Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands ang pagtataguyod ng Tsina sa pagbubukas at inobasyon. Ito aniya ay mahalaga para sa pagharap sa proteksyonismong pangkalakalan, na isang banta sa takbo ng pamilihan, pagpapalitan ng mga mamamayan, at pag-unlad ng kaisipan.

Sinabi ni Punong Ministro Shahid Khaqan Abbasi ng Pakistan, na ang mabilis na pag-unlad ng Tsina ay nagbigay ng ambag sa kabuhayan ng daigdig. Mahalaga rin ang napapatingkad na papel ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapasulong sa kalakalang pandaigdig, pagtataguyod sa pagkakapantay-pantay at sustenableng pag-unlad ng daigdig, dagdag pa niya.

Positibo si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, sa maraming beses na paglalahad ng mga lider na Tsino ng paninindigan sa pagkatig sa multilateralismo at pagbubukas. Aniya, ang Belt and Road Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank ay dalawang malaking ambag ng Tsina sa rehiyonal na kasaganaan.

Sinabi naman ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund, na kailangang buong tapat at pantay-pantay na pakitunguhin ng iba't ibang bansa ang mga hakbangin ng Tsina ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino