Pagtatatag ng military base ng Tsina sa mga Pacific island country, walang batayan-Tagapagsalitang Tsino

2018-04-12 11:51:15 CRI

Ipinahayag kamakailan ng isang mataas na opisyal ng Australia ang umano'y pagtatatag ng Tsina ng mga base militar sa Pacific island countries.

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 11, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bali-balita lamang ang mga ito, Aniya, gumawa na rin ng paglilinaw ang Vanuatu hinggi dito.

Ani Geng, ang isinasagawang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at mga bansa sa Pasipiko ay makakatulong sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan sa lokalidad, at katanggap-tangap ito sa mga pamahalaan at mamamayan dito.

Umaasa aniya ang Tsina, na ititigil ng Australia ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at gagawa ito ng bagay-bagay na makakatulong sa pag-unlad ng mga bansa sa south Pacific, sa halip na paggawa ng mga kaguluhan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino