Tsina, inilabas ang 11 hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas ng sektor pinansyal

2018-04-12 17:27:45 CRI

Ipinatalastas kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Abril 2018, sa Boao, ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, ang 11 konkretong hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas ng sektor pinansyal ng bansa, at time table para sa mga ito.

Ayon kay Yi, magkakabisa, bago ang huling araw ng darating na Hunyo ng taong ito, ang 6 na hakbangin, na kinabibilangan ng pag-aalis o pagpapaluwag ng foreign ownership limit sa ilang uri ng institusyong pinansyal, pagbubukas ng mas maraming negosyong pinansyal sa puhunang dayuhan, at iba pa.

Ang 5 pang hakbanging gaya ng pagpapahintulot ng pamumuhunan ng mga dayuhang kompanya sa trust companies, financial leasing, auto finance, consumer finance, at iba pa, ay magkakabisa bago ang katapusan ng taong ito, dagdag pa ni Yi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino