Maigting na kalagayan sa Syria, ikinababalisa ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2018-04-13 15:15:17 CRI

Ipinahayag Abril 12, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkabalisa sa posibleng maganap na eskalasyon ng situwasyon sa Syria. Umaasa aniya siyang magtitimpi ang ibat-ibang panig para mapahupa ang maigting na kalagayan dito.

Kamakailan sinabi ng opisyal na Ruso na magdedeploy ang Rusya ng puwersang militar sa Syria bilang tugon sa posibleng pag-atake ng Amerika. Pagkatapos, ipinahayag ng panig Amerikano, na ipapatupad nito ang aksyong militar na ipinag-utos ng pangulo, sa anumang sandali.

Kaugnay ng pahayag ng kapwa Rusya at Amerika, ipinahayag ni Geng na palaging pinaninindigan ng Tsina ang paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at tinututulan ang pang-aabuso sa paggamit o pagbabantang paggamit ng dahas sa paghawak sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Kinakatigan aniya ng Tsina ang mediyasyon ng UN at umaasang anumang hakbang ay alinsunod sa Karta ng UN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino