Belt and Road Trade and Investment Forum, idinaos

2018-04-13 17:46:05 CRI

Idinaos kahapon, Huwebes, ika-12 ng Abril 2018, sa Beijing, ang Belt and Road Trade and Investment Forum.

Sinabi sa porum ni Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa ilalim ng Belt and Road Initiative, nagkaroon na ng aktuwal na pakinabang ang mga bansa at rehiyon.

Ayon sa kanya, mula noong 2013 hangang 2017, lumampas sa 5 trilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng paninda sa pagitan ng Tsina at mga ibang bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at lumampas naman sa 70 bilyong Dolyares ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansang ito. Samantala, naitayo ng mga bahay-kalakal na Tsino ang 75 sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mga ibang bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Nagdulot ang mga ito ng 2.2 bilyong Dolyares na buwis, at 210 libong trabaho sa mga bansang ito.

Kasunod ng pag-unlad ng Belt and Road sa susunod na yugto, sinabi rin ni Qian, na ihaharap ng Tsina ang mga bagong paraan ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, itatakda ang Belt and Road cooperation action plan, at ilalabas ang mga modelong proyektong pangkooperasyon. Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang may kagustuhan, na itatag ang malayang sonang pangkalakalan sa mataas na pamantayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino