VR unit sa Beijing, binuksan sa International Film Festival

2018-04-15 15:04:17 CRI

Tatlong panauhin na sina Celine Tricart, Erik Donley, at Sam Gezari

Pinasinayaan nitong Sabado, Abril 14, 2018, ang Virtual Reality (VR) unit sa Ika-8 Beijing International Film Festival. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binuksan ang VR unit sa kapistahang ito. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Celine Tricart, French film director; Erik Donley, American film producer; at Sam Gezari, American Cinematographer.

Manonood, habang sinusubukan ang VR

Walong (8) likha ang idinispley sa kapistahang ito na kinabibilangan ng "Wonderful You VR," "The Sun Ladies VR," "Chalkroom," at iba pa.

Manonood, habang sinusubukan ang VR

Naakit ng VR unit ang maraming manonood. Magkakahiwalay nilang ipinahayag ang pag-asang makakapasok ang nasabing new media film sa panood ng pelikula ng mga tao.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino