Mangangalakal na Tsino, ginawaran ng Honorary Academician ng Akademiyang Europeo

2018-04-17 10:28:10

Paris - Ginawaran nitong Linggo, Abril 15, 2018, ng Academy of Europe ng parangal na "Honorary Academician" si Ginoong Wen Zhaoan, mangangalakal na Tsino. Ito'y dahil sa kanyang ibinibigay na ambag sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

Dumalo sa seremonya ng paggagawad ang mahigit isang daang kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng Tsina at Pransya. Ipinahayag ni Wen na ang nasabing karangalan ay hindi lamang pagtiyak sa kanyang kontribusyon, kundi isa ring puwersang tagapagpasulong sa kanyang mas aktibong pagpupunyagi sa pagpapalakas ng pagpapalitang Sino-Pranses sa larangan ng siyensiya, kultura, at sining sa hinaharap. Nakahanda aniya siyang patuloy na makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapalitang Sino-Pranses.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino