Pagsasakatuparan ng trade liberalization at facilitation, target ng Belt and Road Initiative-Tagapagsalitang Tsino

2018-04-20 10:58:30 CRI

Kaugnay ng ulat na ipinalabas kamakailan ng Handelsblatt na sinuportahan ng maraming Embahador ng bansang kasapi ng Unyong Europeo(EU) ang ulat na nagsasabing hinahadlangan ng Belt and Road Initiative(BRI) ang malayang kalakalan ng daigdig, at tanging mga bahay-kalakal na Tsino ang magtatamasa ng ginhawa, ipinahayag Abril 19, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nilinaw na ng EU sa Tsina na ang ulat ay hindi angkop sa aktuwal na kalagayan.

Ani Hua, ang BRI ay isang global public good na hangarin ay pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, win-win situation, at magkasamang pag-unlad. Aniya, ang konstruksyon ng Belt and Road ay para maisakatuparan ang mataas na sustenableng pag-unlad, batay sa ideya ng magkasamang konsultasyon, kontribusyon, at pagtatamasa ng bunga, sa balangkas ng batas ng pamilihan at regulasyong pandaigdig. Aniya, ang pagpapasulong ng trade liberalization at facilitation ay nagsisilbing tungkulin at target ng usaping ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino