Tsina, nakahandang gumanap ng positibong papel sa pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan sa Peninsula ng Korea-Tagapagsalitang Tsino

2018-04-20 11:39:27 CRI

Ipinahayag Abril 19, 2018 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagsuporta sa maagang pagwawakas ng kalagayang pandigma sa Peninsula ng Korea. Nakahanda aniya ang Tsina na gumawa ng positibong papel sa pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan ng peninsula. 

Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na nakatakdang itong makipag-usap sa Hilagang Korea hinggil sa paglalabas ng deklarasyon ng tigil-digmaan, at pagtatatag ng pangmatagalang mekanismong pangkapayapaan sa peninsula. Ani Hua, ang pagpapasulong ng denuclearization at pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan sa Peninsula ng Korea batay sa kaisipan ng “dual track” ay magsisilbing mabisang paraan sa totohanang paglutas sa isyu ng peninsula. Aniya, bilang direktang may-kinalamang panig sa isyu ng peninsula, nakahanda ang Tsina na gumanap ng positibong papel para maisakatuparan ang naturang tigil-digmaan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino