ZTE Corp.: sangsyon ng Amerika, labis na di makatarungan

2018-04-20 16:00:04 CRI

Inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-20 ng Abril 2018, ng ZTE Corp., kilalang telecom equipment maker ng Tsina, ang pahayag na nagsasabing labis na di makatarungan ang desisyon ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika hinggil sa pagkakabisa ng pagtanggi sa pribilehiyo ng pagluluwas laban sa ZTE.

Anang pahayag, ang naturang desisyon ay magiging matinding dagok sa ZTE Corp., at makakapinsala rin sa interes ng lahat ng mga katuwang nitong kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano.

Ipinahayag din ng ZTE, na hindi nito itatakwil ang pagsisikap para lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo, at determinado itong ipagtanggol ang sariling mga lehitimong karapatan at kapakanan, sa pamamagitan ng lahat ng mga legal na paraan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino