Export ban ng Amerika sa ZTE, pamumulitika ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan--eksperto

2018-04-21 16:59:47 CRI

Nang kapanayamin kamakailan, sinabi ni Fred Teng, Presidente ng America-China Public Affairs Institute, isang nagsasariling research organization sa mga suliranin sa pagitan ng Amerika at Tsina, na nakabase sa New York, na ang pagpataw ng pamahalaang Amerikano ng export ban sa ZTE Corp., kilalang telecom equipment maker ng Tsina, ay pamumulitika ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.

Sinabi ni Teng, na sa karaniwan, ang parusa ng isang pamahalaan sa isang kompanyang dayuhan sa bansang ito ay hindi nagbabanta sa takbo ng naturang kompanya, at hindi ring nakakaapekto sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Pero aniya, labis na mabigat ang kasalukuyang parusa ng pamahalaang Amerikano sa ZTE. Ani Teng, ang aksyong ito ng panig Amerikano ay nagresulta sa pagkabahala sa pag-uugnayan nito ng pulitika at isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Dahil dito, muling isasaalang-alang ng mga kompanyang dayuhan ang kapaligiran ng pamumuhunan at pagnenegosyo sa Amerika, dagdag pa niya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino