Ika-8 Beijing International Film Festival, ipininid

2018-04-23 10:30:15

Ipininid Linggo, Abril 22, 2018, ang walong (8) araw na Ika-8 Beijing International Film Festival. Bilang isang mahalagang plataporma ng pagpapalitan ng sirkulo ng pelikula sa loob at labas ng Tsina, ang nasabing pestibal ay hindi lamang nakapagbigay ng makulay na pagtatanghal sa mga manonood at iba't-ibang sirkulo ng lipunan, kundi nagpakita rin ito ng bagong puwersa para sa pag-unlad ng pelikulang Tsino.

Kalahok sa nasabing kapistahan ang mga mahusay na filmmakers mula sa Malaysia, Singapore, Amerika, Pransya, at iba pang bansa't rehiyon.

Sa larangan naman ng kooperasyong pandaigdig, bilang tugon sa "Belt and Road" Initiative, nilagdaan sa nasabing kapistahan ang kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at mga bansang gaya ng Pransya, Espanya, at Ukraine.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino