Ika-3 round ng pagpili ng mga kandidatong astronaut ng Tsina, sinimulan

2018-04-23 16:07:48 CRI

Ipinatalastas ngayong araw, Lunes, ika-23 ng Abril 2018, sa Beijing, ni Yang Liwei, Pangalawang Puno ng China Manned Space Engineering Office at unang astronaut ng Tsina, ang pagsisimula ng ika-3 round ng pagpili ng bansa ng mga kandidatong astronaut.

Ayon kay Yang, sa kasalukuyang round, pipiliin ang 17 hanggang 18 kandidato, na kinabibilangan ng mga spacecraft controller, inhinyero, at payload specialist. Kapwa lalaki at babae ang pipiliin, dagdag niya.

Ipinahayag din ni Yang, na pagkaraan ng pagsasanay, may pagkakataon ang naturang mga kandidato na lumahok sa misyon ng space station ng bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino