Export ban ng Amerika sa ZTE Corp., hindi hadlang sa pag-unlad ng high-tech industry ng Tsina

2018-04-24 18:09:12 CRI

Sa panayam ngayong araw, Martes, ika-24 ng Abril 2018, sinabi ni Wang Changlin, Pangalawang Puno ng Chinese Academy of Macroeconomic Research, na ang export ban ng pamahalaang Amerikano sa ZTE Corp., telecom equipment maker ng Tsina, ay masama sa high-tech industry hindi lamang ng Tsina, kundi rin ng daigdig. Pero aniya, hindi ito hadlang sa pag-unlad ng high-tech industry ng Tsina.

Tinukoy ni Wang, na sa kasalukuyan, may maliwanag na paghahati ng gawain at pagtutulungan ang high-tech industry ng daigdig. Aniya, ang Tsina at ibang mga umuunlad na bansa ay nasa low-end sector ng pag-asembly, pagpoproseso, at paggawa; samantala, ang Amerika ay nasa high-end, at ang Hapon at Timog Korea naman ay nasa semi-high-end. Dagdag ni Wang, ang kasalukuyang taunang output ng Tsina ng mga high-tech product na gaya ng mobilephone, computer, at household electrical appliance ay katumbas ng 75% hanggang 95% ng kabuuang output ng daigdig. Sinabi niyang, ang export ban ng Amerika sa kompanyang Tsino ay masama sa high-tech industry ng Tsina, samantala, maaapektuhan din nito ang buong daigdig.

Sinabi rin ni Wang, na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng high-tech industry ng Tsina, at ang bahagdan ng paglaki ay nananatili sa double digit. Natamo rin aniya ng Tsina ang breakthrough sa ilang nukleong teknolohiya ng industriyang ito, sa pamamagitan ng sarilinang inobasyon. Ang malaking pangangailangan ng pamilihang Tsino sa mga high-tech product ay lakas-tagapagpasulong din sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng industriyang ito ng bansa, dagdag ni Wang. Kaya nananalig aniya siyang ang export ban ng Amerika ay hindi hadlang sa pag-unlad ng high-tech industry ng Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino