Pulong ng mga ministrong panlabas ng SCO, idinaos

2018-04-24 18:09:44 CRI

Idinaos ngayong araw, Martes, ika-24 ng Abril 2018, sa Beijing, ang pulong ng Council of Foreign Ministers ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Pagkaraan ng pulong, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ginawa sa pulong ang paghahanda para sa SCO Summit na idaraos sa darating na Hunyo ng taong ito sa Qingdao, Tsina. Sinabi rin niyang narating ang komong palagay hinggil sa mga dokumento ng summit sa aspekto ng ibayo pang pagpapaunlad at pagpapalalim ng kooperasyon ng SCO. Ito aniya ay naglatag ng matibay na pundasyon para sa tagumpay ng naturang summit.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino