Mga sanlibong gurong Tsino, magtuturo sa 33 bansang dayuhan sa taong 2018

2018-04-25 16:52:40 CRI

Sa taong 2018, mula 1,000 hanggang 1,100 guro ang ipapadala ng Tsina para magturo sa mahigit 280 Chinese school sa 33 bansa.

Ito ang ipinahayag Martes, Abril 24, 2018 sa Taiyuan, punong-lunsod ng lalagiwang Shanxi, ni Wang Kuangting, opisyal ng Departamento ng Kultura ng Overseas Chinese Affairs Office ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, sa pagbubukas ng pagsasanay sa mga gurong ipapadala sa ibayong dagat.

Mahigit 80 guro mula sa limang lalawigan sa dakong hilaga ng Tsina ang lumalahok sa 5-araw na pagsasanay.

Isasagawa nila ang katulad na pagsasanay sa ibang 9 na siyudad sa Tsina na gaya ng Changchun, Taiyuan, Hefei, at Wuhan, dagdag pa ni Wang.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino