Puno ng mga news agency ng Tsina at Biyetnam, nag-usap: ibayong pagpapalakas ng pagtutulungang pang-media, inaasahan

2018-04-26 10:32:38 CRI

Nakipag-usap Abril 25, 2018 sa Beijing si Cai Mingzhao, Puno ng Xinhua News Agency ng Tsina sa kanyang Vietnamese counterpart na si Nguyen Duc Loi.

Sa pag-uusap, sinabi ni Cai na bilang kapuwa ahensiyang pang-estado sa pagbabalita, umaasa siyang pahihigpitin ng dalawang organo ang pagbabalita hinggil sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, ibayong pahihigpitin ang mekanismo ng pagdadalawan, palalalimin ang pagtutulungan sa impormasyong pangkabuhayan, at iba pa, para pasulungin ang malusog na relasyong Sino-Biyetnames.

Ipinahayag naman ni Nguyen Duc Loi na pinasalamatan ng Vietnam News Agency(VNA) ang tulong na ibinibigay ng Xinhua. Aniya, sa ika-60 anibersaryo ng pagkakaroon ng kooperasyon ng dalawang panig, umaasa ang kanyang organo na ibayong pahihigpitin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino