Kauna-unahang hukumang pinansyal ng Tsina, itatayo sa Shanghai

2018-04-26 11:48:43 CRI

Beijing, Tsina—Isinasaalang-alang ng Tsina ang pagtatatag ng hukumang pinansyal sa Shanghai para matugunan ang mga kasong komersyal at administratibo na may kinalaman sa pinansya sa nasabing munisipalidad.

Sa kanyang pagsasalaysay sa mga mambabatas ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sinabi ni Zhou Qiang, Presidente ng Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina na makakatulong ang proposal na hukuman sa pagtatatag ng Shanghai bilang pandaigdig na sentrong pinansyal sa taong 2020.

Ang mga mahistrado ay hihirangin ng Pirmihang Lupon ng Munisipal na Kongresong Bayan ng Shanghai, mula sa mga namumukod-tanging abogado at dalubahasa sa larangang pambatas, dagdag pa ni Zhou.

Salin: Jade
Pulido: Rhio
File photo credit: Xinhua

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino