Pangulong Tsino, nakipag-usap sa telepono sa mga lider ng Hapon at T.Korea

2018-05-05 16:47:22 CRI

Magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono, kahapon, Biyernes, ika-4 ng Mayo 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.

Sa pakikipag-usap kay Abe, binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang mga positibong signal at hakbanging inilabas ng Hapon nitong ilang nakalipas na panahon sa relasyon sa Tsina. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa, para pasulungin ang kanilang relasyon sa tamang landas.

Sa pakikipag-usap naman kay Moon, sinabi ni Xi, na mainam ang kasalukuyang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at T.Korea. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng T.Korea, na palakasin ang pag-uugnayan, palalimin ang kooperasyon, at pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan.

Ang katatapos na Inter-Korean Summit ay isa pang pangunahing paksa ng mga pag-uusap. Tinukoy ni Xi, na sa pamamagitan ng summit na ito, natamo ang mahalagang bunga sa mga aspekto ng pagpapabuti ng relasyon ng Hilaga at Timog Korea, pagpapahupa ng tensyon sa Korean Peninsula, at pagpapasulong sa pangmatagalang kapayapaan sa peninsula. Umaasa aniya ang panig Tsino, na patuloy na magsisikap kasama ng mga iba pang may kinalamang panig, upang magpatingkad ng positibong papel para sa komprehensibong pagpapasulong ng pulitikal na paglutas sa isyu ng Korean Peninsula, at pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyong ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino