Mga Ministrong Pinansyal at Puno ng mga Bangko Sentral ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, tumututol sa trade protectionism

2018-05-06 15:09:31

Manila - Idinaos nitong Biyernes, Mayo 4, 2018, ang Ika-18 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Puno ng mga Bangko Sentral ng Tsina, Hapon, at Timog Korea. Nagpalitan ng kuro-kuro ang mga kalahok tungkol sa mga temang gaya ng kalagayang pangkabuhayan ng tatlong bansa, at rehiyonal na kooperasyong pinansyal. Nanawagan din silang magkakasamang tutulan ang trade protectionism at igarantiya ang bukas na multilateral na sistemang pangkalakalan.

Samantala, sa isang magkakasanib na pahayag na inilabas ng iba't-ibang panig pagkatapos ng pulong, nanawagan silang dapat patuloy na magtimpi sa mga panganib na posibleng makaapekto sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

Sinabi rin ng pahayag na dapat tanggapin ang "Panmunjom Declaration" na ipinalabas kamakailan ng Timog at Hilagang Korea. Umaasa anila silang ibayo pang mapapahupa ang maigting na situwasyon sa rehiyong ito.

Dumalo sa nasabing pulong si Yu Weiping, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina. Gaganapin sa Mayo, 2019 sa Fiji ang Ika-19 na Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Puno ng mga Bangko Sentral ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino