Relasyon ng Tsina at Amerika, isusulong

2018-05-06 15:15:19

Sa pag-uusap sa telepono, Sabado ng gabi, Mayo 5, 2018, nina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Yang na sa kasalukuyan, nasa isang mahalagang yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Aniya, dapat mataimtim na isakatuparan ng dalawang bansa ang mga mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping at Doland Trump. Dapat patuloy na panatilihin ang mahigpit na pagkokoordinahan sa mga isyung gaya ng kabuhayan at kalakalan, at maayos na hawakan ang pagkakaiba at sensitibong isyu upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Pompeo na bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, napakalaki ng potensyal ng kooperasyong Amerikano-Sino. Aniya, lubos na pinahahalagahan ng panig Amerikano ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.

Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino