Pagpapahupa ng kalagayan sa Peninsula ng Korea, dapat pahalagahan-Tagapagsalitang Tsino

2018-05-08 12:16:33 CRI

Ipinahayag Mayo 7, 2018 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng ibat-ibang may-kinalamang panig, tumutungo sa positibong direksyon ang kalagayan sa Peninsula ng Korea. Umaasa aniya siyang papahalagahan ng lahat ang naturang bungang di-madaling matamo.

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea, ipinahayag kamakailan ng Amerika na ang intensyon ng denuclearization ng Hilagang Korea sa “Panmunjom Declaration” ay bunga ng isinasagawang sanksyon at presyur, at ipagpapatuloy ng Amerika ang sanksyon hanggang sa ganap na maitakwil aksyong nuklear ng Hilagang Korea.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng ang pag-asang magsasalita at gagawa ng bagay-bagay ang mga may-kinalamang panig na makakatulong sa pagpapahupa ng situwasyon, pagpapasulong ng diyalogo, at pagpapalakas ng pagtitiwalaan, para patibayin ang kasalukuyang positibong kalagayan sa peninsula.

Umaasa rin aniya siyang susulong ang proseso ng kalutasang pampulitika sa isyu ng peninsula at magbibigay-galang sa mga pagkabahala ng ibat-ibang panig, batay sa kaisipan ng “dual track,” para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino