Hindi pagkaka-imbita sa Taiwan sa asemblea ng WHO, responsibilidad ng DPP-Tagapagsalitang Tsino

2018-05-08 12:21:25 CRI

Ipinahayag Mayo 7, 2018 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malawakang tinatanggap ng komunidad ng daigdig ang prinsipyong “Isang Tsina.”

Sinabi ni Geng na mula noong 2009 hanggang 2016, sa ngalan ng “Chinese Taipei,” dumalo ang Taiwan sa asemblea ng World Health Organization (WHO) bilang tagamasid. Aniya, ito ay isang espesyal na arrangement na ginawa ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, alinsunod sa “1992 Komong Palagay” na nagpapakita ng prinsipyong “Isang Tsina.”

Ani Geng, sa kasalukuyan, hindi kinikilala ng Democratic Republic Party (DPP) ang prinsipyong “Isang Tsina,” at sinira nito ang pundasyong pampulitika sa pagsapi ng Taiwan sa asemblea ng WHO. Dagdag pa niya, responsibilidad ng DPP ang pagkaka-imbita sa Taiwan sa nasabing asemblea.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino