Pangulo ng Tsina at Amerika, nag-usap

2018-05-09 09:42:15 CRI

Nag-usap Mayo 8, 2018 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nasa masusing yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang tutupdin ng Tsina at Amerika ang mga narating na kasunduan sa Beijing para pasulungin ang malusog at matatag na pagtutulungan ng dalawang bansa. Aniya, bilang pundasyon at lakas na pangkaunlaran ng relasyong Sino-Amerikano, noong isang linggo, idinaos sa Beijing ang negosasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng dalawang panig ang pagpapalitan para maayos na lutasin ang mga may-kinalamang isyu, upang maisakatuparan ang win-win situation. Ipinahayag naman ni Pangulong Trump ang pagpapahalaga sa relasyong Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ang mahigpit na pakikipagpalitan sa Pangulong Tsino. Nakahanda aniya ang Amerika na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan at maayos na lutasin ang mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, upang ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano at bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa. 

Nang mabanggit ang isyu sa Peninsula ng Korea, inulit ni Pangulong Xi ang paninindigan ng Tsina, at pagsuporta sa nakatakdang diyalogo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea. Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap ng positibong papel sa pagsasakatuparan ng denuclearization at pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Peninsula ng Korea. Ipinahayag naman ni Pangulong Trump ang pagpapahalaga sa paninindigan at konstruktibong papel ng Tsina sa isyu ng peninsula. Nakahanda aniya ang Amerika na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina para pasulungin ang maayos na paglutas sa nasabing isyu, sa pamamagitan ng negosasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino