Premyer Tsino: magkakasamang pasusulungin ang pagsasakatuparan ng denuclearization ng Korean Peninsula

2018-05-09 11:35:33 CRI

Miyerkules ng umaga, Mayo 9, local time—Sa panahon ng kanyang paglahok sa pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nasa masusing panahon ng pagbuti ang kalagayan ng Korean Peninsula, at dapat samantalahin ng iba't ibang panig ang pagkakataong ito, para mapasulong ang pagsasakatuparan ng denuclearization ng peninsula, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng peninsula. Dapat aniyang igiit ang pangkalahatang direksyon ng rekonsilyasyon sa pamamagitan ng diyalogo. Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang pagpapabuti ng relasyon ng Timog at Hilagang Korea, at inaasahan ang maalwang pagsulong ng pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Estados Unidos.

Dagdag pa niya, kinakatigan din ng panig Tsino ang pagsasagawa ng iba't ibang panig ng diyalogo sa iba't ibang porma, para mapasulong ang pulitikal na paglutas sa isyu ng peninsula, itatag ang mekanismo ng kapayapaan ng peninsula, at isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng rehiyong ito.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino