JCPOA, inaasahang tutupdin ng ibat-ibang panig-Tagapagsalitang Tsino

2018-05-10 10:56:40 CRI

Kaugnay ng patalastas kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa pag-urong ng bansa mula sa Multilateral Joint Comprehensive Plan of Action(JCPOA), ipinahayag Mayo 9, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing kasunduan ay narating ng 6 na may-kinalamang bansa, Unyong Europeo at Iran, bilang tugon sa isyung nuklear ng Iran. Aniya, pinagtibay din ito sa resolusyon bilang 2231 ng UN Security Council, kaya, dapat itong ganap na matupad ng ibat-ibang panig. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pangangalaga sa pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, kundi maging sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.

Ani Geng, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga may-kinalamang panig para patuloy na pangalagaan at tupdin ang nasabing kasunduan, batay sa obdiyektibo, makatarungan at responsableng atityud at negosasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino