Alaala sa Wenchuan, 10 taon matapos yumanig ang lindol

2018-05-12 19:51:02 CRI

Noong Mayo 12, 2008, niyanig ng super lindol na may lakas sa 8 richter scale ang Wenchuan, Lalawigang Sichuan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Mahigit 69,000 tao ang nasawi, 374,000 ang nasugatan at halos 18,000 ang nawala. Sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagganap ng kalamidad, manalangin tayo sa mga nasawi at nawawala, at mag-alay rin tayo ng ating pagpapala sa mga nakaligtas. Gusto rin po naming pasalamatan ang lahat ng mga tao, organisasyon, Tsino man o dayuhan na nagbigay-tulong sa mga biktima ng nasabing lindol.

Nitong sampung taong nakalipas, buong lakas-loob na namumuhay ang mga nakaligtas.

Sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng lindol, muling dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga mamamayan ng Yingxiu Town, isa sa mga pinakaapektadong lugar sa Wenchuan earthquake.

Guho ng nilindol na Xuankou Middle School na matatagpuan sa epicenter. Mababasa sa modelong diyal sa guho ang oras 2:12 PM kung kailan naganap ang lindol.

 

Si Xi habang nakikilahok sa paggawa ng buttered tea sa kanyang pagdalaw sa Yingxiu, noong Pebrero 12, 2018, sa bisperas ng Chinese New Year. (Xinhua/Ju Peng)

Si Xi habang nagpiprito ng karne sa isang restauran sa Yingxiu, noong Pebrero 12, 2018, sa bisperas ng Chinese New Year. (Xinhua/Ju Peng)

 

Si Xi habang nakikisalamuha sa mga mamamayang lokal sa Yingxiu, noong Pebrero 12, 2018, sa bisperas ng Chinese New Year. (Xinhua/Ju Peng)

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino