Beichuan, noon at ngayon

2018-05-12 20:37:07 CRI

Alas 14:28 PM, Mayo 12, 2008, niyanig ng super lindol na may lakas sa 8 richter scale ang Wenchuan, Lalawigang Sichuan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Mahigit 69,000 tao ang nasawi, 374,000 ang nasugatan at halos 18,000 ang nawala.

Ang Beichuan ay isa sa mga pinakaapektadong lugar. Nitong sampung taong nakalipas, buong lakas-loob na namumuhay ang mga nakaligtas, at malaki ang pagbabago sa lugar.

Larawang kuha ng drone na nagpapakita sa nayong Beichuan na nasa Sichuan, lalawigan sa timog kanluran ng Tsina nitong Mayo 10, 2018. Ang nayong Beichuan ay isa sa mga lugar na matinding nasalanta sa lindol na naganap noong Mayo 12, 2008 sa nayon ng Wenchuan sa Sichuan. Matapos ang lindol, ang Beichuan ay inilipat ng lokasyon. Muling itinayo ang bagong pamayanan na ngayon ay may 35,000 katao.

Ang Banaqia scenic spot sa bagong nayon ng Beichuan, larawang kuha nitong May 9. 2018

Larawang kuha Mayo 10, 2018 ng drone na nagpapakita sa lawak ng Banaqia commercial street sa bagong nayon ng Bechuan.

Ang Beichuan Park sa bagong nayon ng Beichuan na kinunan ng isang drone Mayo 10, 2018

Mga manggagawang nag-aalaga sa mga orkidya sa West Agricultural Industrial Park sa bagong Beichuan County nitong May 10, 2018.

Mga tsaa na ipinakikita ng exhibitor sa Banaqia commercial street sa bagong Beichuan County nitong May 9, 2018.

Ang buong campus ng Beichuan Middle School sa nayon ng Beichuan sa Sichuan, lalawigang matatagpuan sa timog kanluran ng Tsina, larawang kuha nitong May 9, 2018.

Mga mag-aaral sa Beichuan Middle School sa bagong nayon ng Beichuan sa Sichuan, lalawigang matatagpuan sa timog kanluran ng Tsina, larawang kuha nitong May 10, 2018.

Mga turistang nagsasayaw sa Banaqia commercial street sa bagong Beichuan County, lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina nitong May 9, 2018.

Larawang kinunan ng isang drone na nagpapakita ng tanawin sa bagong Beichuan County, lalawigang Sichuan nitong Marso 17, 2018.

Ang Beichuan makaraang yanigin ng lindol noong 2018

Sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagganap ng kalamidad, manalangin tayo sa mga nasawi at nawawala, at mag-alay rin tayo ng ating pagpapala sa mga nakaligtas. Gusto rin po naming pasalamatan ang lahat ng mga tao, organisasyon, Tsino man o dayuhan na nagbigay-tulong sa mga biktima ng nasabing lindol.

Salin: Mac/Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino