Pandaigdig na Komperensya sa Alaala sa Lindol sa Wenchuan, idinaos; kakayahan sa pagpigil ng kalamidad, ipinagdiinan ng pangulong Tsino

2018-05-13 16:46:46 CRI

Noong Mayo 12, 2008, niyanig ng super lindol na may lakas na 8 sa Richter Scale ang Wenchuan, county sa lalawigang Sichuan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina.

Bilang paggunita sa sakuna, idinaos Sabado, Mayo 12, 2018 ang Pandaigdig na Komperensya sa Dekadang Alaala sa Lindol sa Wenchuan at Ika-4 na Pandaigdig na Komperensya sa Kontinental na Lindol, sa Chengdu, kabisera ng Sichuan.

Sa kanyang liham sa nasabing pulong, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na komprehensibong palalakasin ng bansa ang kakayahan sa pagpigil sa kalamidad para matiyak ang katiwasayan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Xi na sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), masasabing natamo ang kahanga-hangang progreso sa rekonstruksyon ng mga lugar na niyanig ng lindol. Nagsisilbi aniya ang mga ito bilang karanasan para sa komunidad ng daigdig.

Gayunpaman, ipinagdiinan din ni Xi na walang hanggan ang pag-unawa ng sangkatauhan hinggil sa mga batas ng kalikasan. Ang siyentipikong pag-alam hinggil sa mga batas ng mga sakuna, epektibong pagbawas ng panganib na dulot ng kalamidad, at pagkakaroon ng may-harmonyang eksistensya sa pagitan ng mga tao at kalikasan aynangangailangan ng magkakasamang pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig, aniya pa.

Ang super lindol sa Wenchun ay ikinasawi ng halos 70,000 katao, ikinasugat ng 374,000, at ikinawala ng 18,000 iba pa. Milyun-milyong mamamayang Tsino ang nawalan ng tahanan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino