Liu He, dadalaw sa Amerika

2018-05-14 16:36:53 CRI

Ipinatalastas ngayong araw, Lunes, ika-14 ng Mayo 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng pamahalaang Amerikano, mula bukas hanggang ika-19 ng buwang ito, dadalaw sa Amerika, si Liu He, espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer, at puno ng panig Tsino para sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika.

Ayon kay Lu, sa panahon ng pagdalaw, patuloy na makikipagsanggunian si Liu, sa grupong pangkabuhayan ng panig Amerikano na pinamumunuan ni Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya, hinggil sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino