Belt and Road Initiative ng Tsina, magdudulot ng mas maraming pagkakataon at pakinabang sa buong daigdig

2018-05-14 18:38:00 CRI

Ang taong ito ay ika-5 anibersaryo ng pagharap ng Tsina ng mungkahi hinggil sa Silk Road Economic Belt at 21st-century Maritime Silk Road o Belt and Road Initiative. Nitong 5 taong nakalipas, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, maraming bunga ang natamo ng inisyatibang ito.

Hanggang noong Abril ng taong ito, nilagdaan ng Tsina at 86 na bansa at organisasyong pandaigdig ang 101 kasunduan hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Ang malawak na kooperasyon ay sumasaklaw sa imprastruktura, production capacity, pamumuhunan, kabuhaya't kalakalan, pinansyo, siyensiya't teknolohiya, lipunan, at iba pa.

Bukod dito, mabilis na umuunlad ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative. Nitong 5 taong nakalipas, lumampas sa 5 trilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansang ito. Samantala, noong 2017, 14.2% ang paglaki ng halaga ng kanilang kalakalan. At ang halaga ng pag-aangkat ng Tsina mula sa mga bansang ito ay umabot sa mahigit 666 na bilyong Dolyares. Lumaki ito ng halos 20% kumpara sa taong 2016, at ang halagang ito ay katumbas ng halos 40% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina.

Kaugnay ng Belt and Road Initiative, ipinalalagay ng mga ekspertong Tsino, na maganda ang inisyatibang ito, dahil ito ay makakabuti sa pag-unlad, hindi lamang ng Tsina, kundi rin ng daigdig. Anila, ang Belt and Road Initiative ay naglalayong palakasin ang pag-uugnayan ng iba't ibang bansa sa iba't ibang aspekto, at pasulungin ang globalisasyon at integrasyon, para makinabang dito ang mas maraming tao.

Ipinahayag din ng mga eksperto, na ang Belt and Road Initiative ay mahalagang landas ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas. Nananalig anila silang, sa hinaharap, sa ilalim ng inisyatibang ito, lilikhain ang bagong kalagayan ng pagbubukas ng Tsina, na mas malawak, mas malalim, at mas inobatibo. Sa pamamagitan nito, magdudulot ang Tsina ng mas maraming pagkakataon at pakinabang sa buong daigdig, anila pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino