Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipagtagpo sa puno ng Konseho ng BFA

2018-05-15 09:30:28 CRI

Kinatagpo Mayo 14, 2018 sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina si Ban Ki-moon, bagong halal na puno ng Konseho ng Boao Forum for Asia (BFA).

Ipinahayag ni Wang na nitong 17 taong nakalipas, malaking tagumpay ang natamo ng BFA. Umaasa aniya siyang gagawa ang Konseho ng BFA ng mas mahalagang ambag para talakayin ang kalutasan ng mga isyung kinakaharap ng Asya at mundo.

Ani Wang, bilang host ng BFA, patuloy na kakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng porum.

Ipinahayag naman ni Ban na bilang isang plataporma ng diyalogong pulitikal, komersyal at akademiko, gaganap ang BFA ng konstruktibong papel sa pag-unlad ng Asya at daigdig.

     

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino