Komong kaunlaran ng Tsina't Amerika, ipinagdiinan ng mga CEO at dating matataas na opisyal

2018-05-16 16:40:35 CRI

Beijing,Tsina—Ipinalalagay ng mga Chief Executive Officer at dating mataaas na opisyal mula sa Tsina at Estados Unidos na sa kabila ng mga kinakaharap na kahirapan at hamon, marami pa ring pagkakataon para maisakatuparan ng dalawang bansa ang komong kaunlaran.

Ipinahayag ang nasabing paninindigan ng mga kalahok sa kanilang ika-10 diyalogo, na idinaos mula Martes hanggang Miyerkules. Kalahok din sa diyalogo ang mga kasalukuyang nanunungkulang opisyal ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga pangunahing paksa ay direksyon ng mga patakaran ng dalawang pamahalaan at mga katugong aksyon, Belt and Road Initiative (BRI), digital economy, pandaigdig na industriya ng teknolohiya.

Ang mga kinatawang Amerikano ay mula sa mga sektor na gaya ng telekomunikasyon, produktong pangkalusugan, medisina, pinansya, teknolohiya at iba pa. Samantala, ang mga kinatawang Tsino ay galing sa mga larangan ng enerhiya, kalawakan, bakal, sasakyang-de-motor, pagkaing-butil, at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino