Tsina, hindi ninanais makita ang paglala ng China-U.S. trade dispute

2018-05-17 15:12:00

Beijing - Ipinahayag Miyerkules, Mayo 17, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umaasa siyang maayos na malulutas ng Tsina at Amerika ang kanilang trade dispute sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Aniya, hindi ninanais makita ng panig Tsino na lalala ang trade dispute ng dalawang bansa, ngunit handa na ito para harapin ang iba't-ibang uri ng posibilidad.

Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na sa prinsipyo ng paggagalangan sa isa't-isa, at pantay na pagsasanggunian, maayos na malulutas ang alitan ng dalawang panig upang magkasamang mapasulong ang kanilang relasyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino