Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition, binuksan

2018-05-17 17:08:17

Beijing, Tsina-Binuksan Huwebes, Mayo 17, 2018 ang Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition. Kalahok sa eksibisyong ito ang mga eksibitor mula sa mahigit 50 bansa at rehiyon.

Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition, binuksan

Ang kasalukuyang eksibisyon ay itinaguyod ng China Media Group (CMG). Halos 80,000 namumukod na TV series, pelikula, dokumentaryo, animation, TV column ang itinatanghal.

Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition, binuksan

Isinalaysay ni Ginang Shen Jianing, General Manager ng China Radio, Film & Television Programs Exchanging Center, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na itinaguyod ng bagong China Media Group ang nasabing eksibisyon. Mahalagang mahalaga aniya ang katuturan nito para sa komprehensibong pagdidispley ng kalagayan ng pag-unlad ng industriya ng pelikula at TV ng Tsina, at pagpapasulong sa malusog na pag-unlad ng industriyang ito.

Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition, binuksan

Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition, binuksan

Booth ng Pasuguan ng Pilipinas sa Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition

Booth ng Pasuguan ng Pilipinas sa Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition

Upang mapasulong ang pagpapalaganap ng kulturang Tsino sa ibayong dagat, nilagdaan ng National Multi-Lingual Movie & TV Translation & Production Base ng CMG, kasama ng mga pangunahing media ng mahigit 30 bansa ng Asya, Aprika, Europa, Amerika at Oceania ang kasunduan sa pagsasahimpapawid ng “Teatrong Tsino.” Ayon dito, mapapanood na sa mga TV station ng kaukulang bansa, sa regular na oras ang mga sinaling namumukod na pelikula at TV programs.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino