Xi Jinping: Dapat pasulungin sa bagong yugto ang pagpasok ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng Tsina

2018-05-20 11:33:16 CRI

Pangulong Xi Jiping ng Tsina

Mula Mayo 18 hanggang 19, 2018, idinaos sa Beijing ang Pulong ng Pangangalaga sa Kapaligirang Ekolohikal ng bansa. Dito, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na dapat lubusang patingkarin ang bentaheng pulitikal ng pamumuno ng CPC at sistemang sosyalista ng bansa, at dapat ding lubos na gamitin ang pundasyon ng materyal na natamo sa reporma at pagbubukas sa labas nitong 40 taong nakalipas, para mapasulong sa bagong yugto ang pagpasok ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa.

Ipinag-diinan ni Pangulong Xi na sa kabuuan, patuloy na bumubuti ang kalidad ng kapaligirang ekolohikal ng bansa, at lumitaw ang tunguhin ng tuluyang pagbuti. Ngunit, hindi pa aniya matatag ang bisang ito, at nasa masusing panahon ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa, ani Xi.

Hinihiling din ni Xi na dapat pabilisin ang pagtatatag ng sistema ng sibilisasyong ekolohikal para maisakatuparan sa kabuuan ang target ng pagtatatag ng "Magandang Tsina" sa taong 2035. 

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino