BeiDou Satellite ng Tsina, magkakaloob ng serbisyong pandaigdig

2018-05-24 11:38:50 CRI

Labing-isa (11) pang BeiDou-3 satellite ang binabalak na ilunsad ng Tsina bago magtapos ang taong ito. Noong 2017, walong (8) nasabing satellite ang napaimbulog ng bansa. Sa pamamagitan nito, inisyal na mabubuo ang BeiDou Navigation Satellite System (BDS).

Ito ang ipinahayag Miyerkules, Mayo 23, 2018 ni Wang Li, Tagapangulo ng China Satellite Navigation System Committee, sa Ika-9 na China Satellite Navigation Conference sa Harbin, kabisera ng lalawigang Heilongjiang sa dakong hilagang-silangan ng Tsina.

Idinagdag pa ni Wang na sa katapusan ng taong ito, ang BDS ay inaasahang makapagkakaloob ng serbisyo para sa mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road. Sa taong 2020, inaasahan nitong paglilingkuran ang buong daigdig.

Ang BeiDou na ipinangalanan sa Big Dipper constellation sa wikang Tsino ay inisyal na inilunsad noong 1994. Nagsimula nitong palingkuran ang Tsina noong 2000 at ang rehiyong Asya-Pasipiko noong 2012.

Ang BDS, kasama ng Global Positioning System (GPS) ng Estados Unidos, Galileo Satellite Navigation System ng Europa, Glonass Navigation Satellite System ng Rusya, ay nagsisilbing apat na pangunahing satellite navigation system ng daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino