Di pag-anyaya ng Pentagon sa Tsina sa 2018 RIMPAC, di babaguhin ang resolusyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan ng SCS

2018-05-25 16:58:44 CRI

Ipinagdiinan ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Minitring Panlabas ng Tsina na angking karapatan ng bansa na isagawa ang normal na aktibidad ng konstruksyon sa sariling teritoryo sa South China Sea (SCS). Winika ito ni Lu sa regular na preskon Huwebes, Mayo 24, bilang tugon sa kanselasyon ng pag-imbita ng Pentagon sa Tsina sa pagsali sa 2018 Rim of the Pacific Exercise (RIMPAC), dahil sa di-umano'y militarisasyon sa SCS ng Tsina.

Idinagdag pa ni Lu na kahit hindi mag-iimbita ang Pentagon sa Tsina, hindi pa rin magbabago ang kapasiyahan ng Tsina na gumanap ng positibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa nasabing karagatan, at ipagtanggol ang soberanong karapatan at interes.

Nang araw ring iyon, ipinahayag din ang katulad na paninindigan ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na si Ren Guoqiang.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino