Relasyong diplomatiko ng Tsina at Burkina Faso, nanumbalik

2018-05-27 15:34:01

Relasyong diplomatiko ng Tsina at Burkina Faso, nanumbalik

Beijing - Nag-usap Sabado, Mayo 25, 2018, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Alpha Barry, Ministrong Panlabas ng Burkina Faso. Lumagda sila sa magkasanib na komunike tungkol sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Wang na sa nasabing komunike, kinikilala ng pamahalaan ng Burkina Faso na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Lubos aniyang hinahangaan ng panig Tsino ang nagawang desisyong pulitikal ng pamahalaan ng Burkina Faso.

Sinabi ni Wang, na ang prinsipyong "Isang Tsina" ay kinikilalang norma ng relasyong pandaigdig, ito rin ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ito ay pundamental na paunang kondisyon at pundasyong pulitikal sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at anumang bansa, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Barry na ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay ganap na angkop sa mithiin at kapakanan ng mga mamamayan ng Burkina Faso. Aniya, pinutol na ng kanyang bansa ang umano'y "relasyong diplomatiko" sa Taiwan, at hindi isasagawa ang anumang relasyong opisyal sa Taiwan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino