Tsina, kinondena ang pagpasok ng American warship sa teritoryong pandagat ng bansa

2018-05-28 11:07:07

Nitong Linggo, Mayo 27, 2018, lantarang pumasok sa teritoryong pandagat ng Xisha Islands ng Tsina ang dalawang pandigmang bapor ng Amerika na "Higgins" at "Antietam."

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang matinding pagkadismaya at buong tatag na pagkondena ng panig Tsino sa nasabing aksyon ng panig Amerikano. Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang naturang probokatibong aksyong lumalapastangan sa soberanya, at nagbabanta sa seguridad ng Tsina.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino