"Great Wall-2018" Pandaigdigang Porum ng Paglaban sa Terorismo, binuksan sa Beijing

2018-05-29 11:15:02 CRI

Binuksan Mayo 28, 2018, sa Beijing ang "Great Wall-2018" Pandaigdigang Porum ng Paglaban sa Terorismo. Mahigit 180 kinatawan mula sa 28 bansang kinabibilangan ng Tsina, Pilipinas, Kambodya, Myanmar, Biyetnam, Thailand, Pakistan, Jordan, Ehipto, Pransya, Mexico at iba pa ang lumahok sa seremonya ng pagbubukas.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Qin Tian, Vice Commander ng Chinese People's Armed Police Force na ang layunin ng pagdaos ng porum na ito ay para magkasamang itayo ang plataporma ng kooperasyon at ibahagi ang bunga ng pagpapalitan, at nang sa gayo'y, pataasin ang kakayahan sa paghawak ng pangyayaring kaugnay ng terorismo at pangalagaan ang seguridad at katatagan ng lipunan. Ipinahayag niyang maring tinututulan ng Tsina ang terorismo sa anumang porma, at laging nakahandang palakasin ang kooperasyon sa komunindad ng daigdig para magbigay ng ambag para sa kapayapaan at katatagan ng mundo.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino