Suliraning panloob ng Tsina, hindi dapat pakialaman ng ibang bansa-Tagapagsalitang Tsino

2018-05-31 10:44:32 CRI

Isinapubliko Mayo 29, 2018 ng Konseho ng Estado ng Amerika ang “Hong Kong Policy Act Report.”

Hinggil dito, ipinahayag Mayo 30 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat itigil ng panig Amerikano ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at dapat itong maingat at tumpak na magsalita at umaksyon sa isyu ng Hong Kong.

Ani Hua, sapul nang bumalik ang Hong Kong sa Tsina, totohanang naisasakatuparan ang patakaran ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “Pangangasiwa sa Hong Kong ng mga Taga-HK,” at “Mataas na Awtonimiya.” Aniya, ipagpapatuloy ng pamahalaang Tsino ang administrasyon sa Hong Kong, batay sa Konstitusyon, Saligang Batas ng HK, at patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino