Facilitation of Visa ng Tsina at Amerika, bagay na may mutuwal na kapakinabangan-Tagapagsalitang Tsino

2018-05-31 10:47:51 CRI

Ayon sa ulat, nakatakdang isagawa ng Amerika ang hakbang para paikliin ang haba ng Visa ng mga Chinese graduate student na nag-aaral ng kurso sa robotics, aviation at high-tech manufacturing.

Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 30, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang people-to-people exchanges ay nagsisilbing pundasyon sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng ibat-ibang bansang kinabibilangan ng Tsina at Amerika. Aniya, bilang bagay na may mutuwal na kapakinabangan, ang pagsasakatuparan ng Tsina at Amerika ng Visa facilitation ay angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang isasagawa ng Tsina at Amerika ang hakbang para ibayong pasulungin ang maalwang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano. Ito ay lilikha ng mas mainam na kondisyon para sa pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, aniya pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino