Summit ng SCO, idaraos sa Qingdao

2018-05-31 18:09:26


Idaraos ang Summit ng Shanghai Cooperation Orgnization (SCO) sa lunsod Qingdao ng lalawigang Shandong ng Tsina mula Ika-9 hanggang ika-10 ng susunod na buwan. Kaugnay nito, ipinahayag

sa Beijing ngayong araw ni Gao Feng, Tagapagsaita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina,  na tiyak na magkakasamang magsisikap ang mga miyembro ng SCO para pasulungin ang Qingdao Summit, at mararating ang komong palagay sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, para pataasin ang panrehiyong kooperasyon ng SCO sa bagong lebel para makapagdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan sa rehiyong ito.


Ayon sa estadistika, noong 2017, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga miyembro ng SCO ay umabot sa 217.6 bilyong dolyares. Ito'y lumaki ng 19% kumpara sa gayon din panahon ng nagdaang taon. Lumaki rin ang kapuwa pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Noong unang kuwarter ng taong ito, patuloy na napanatili ang mainam na tunguhin ng paglaki ng halaga ng kalakalan ng Tsina at mga miyembro ng SCO.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino