Meteorological satellite, inilunsad ng Tsina; mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, makikinabang

2018-06-06 14:32:18 CRI

Inilunsad kagabi ng Tsina ang bagong Fengyun-2H meteorological satellite para mapasulong ang katumpakan ng pagtaya sa lagay ng panahon at magkaloob ng mas mabuting serbisyo para sa mas maraming bansa.

Ang Fengyun-2H meteorological satellite habang inilulunsad, sa pamamagitan ng Long March-3A rocket, sa Xichang Satellite Launch Center sa Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina (Xinhua/Liu Kun)

Bilang tugon sa kahilingan ng World Meteorological Organization (WMO) at Asia-Pacific Space Cooperation Organization (APSCO), ang posisyon ng Fengyun-2H ay babaguhin sa 79 na digri, east longitude mula sa orihinal na 86.5 digri, east longitude. Bunga nito, bukod sa rehiyong Asya-Pasipiko, ang mga satellite ng Fengyun series ay masasakop ang lahat ng mga teritoryo ng Tsina, mga kasaping bansa ng Belt and Road Initiative (BRI), Indian Ocean, at karamihan ng mga bansang Aprikano.

Ito ang ipinahayag ni Zhao Jian, Pangalawang Direktor ng Departamento ng System Engineering ng China National Space Administration (CNSA).

Maaaring gumamit nang libre ang mga saklaw na bansa ng mga datos na magmumula sa Fengyun satellite, dagdag pa ni Zhao. Kabilang sa mga datos ay mga imahe ng real time na cloud at water vapor, impormasyon ng space weather, at iba pa.

Sapul nang mapaimbulog sa orbito noong 1997 ang unang henerasyon ng Fengyun-2 series na tinaguriang Fengyun-2A, mahigit 470 bagyo sa kanlurang Pacific Ocean at South China Sea ang namonitor nito.

Ang Fengyun-2H, isang uri ng geostationary orbit satellite, ay ang huling henerasyon ng serye nito. Ang Fengyun-4 series ay magiging pinakabagong henerasyon ng geostationary orbit meterological satellite ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino