Probokasyon ng Amerika sa isyu ng SCS, dapat itigil-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-07 10:54:16 CRI

Ipinahayag Hunyo 6, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat itigil ng Amerika ang probokasyon sa South China Sea(SCS).

Winika ito ni Hua bilang tugon sa patuloy na paggigiit ng Amerika sa umano'y isinagawang militarization ng Tsina sa South China Sea, at pagpadala nito ng B-52 bomber sa SCS kamakailan.

Nang araw ring iyon, kinumpirma ng panig militar ng Amerika ang pagpadala kamakailan ng dalawang B-52 na eroplano sa SCS para sa pagsasanay.

Ipinahayag ni Hua na bilang offensive strategic weapons, ang pagpadala ng Amerika ng B-52 na eroplano ay para sa aksyon ng militarization o umano'y “malayang paglalayag” sa SCS. Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na itakwil ang pagsasabi na nagsasagawa ng militarization ang Tsina sa SCS, at anumang nitong probokasyon sa rehiyong ito. Samantala, sa harap ng anumang bantang militar na isinagawa at isasagawa ng Amerika, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kabuuan at seguridad ng soberanya ng estado, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon, dagdag pa niya.

  

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino