Konseho ng FAO, idinaos sa Rome

2018-06-07 17:44:04



Idinaos kahapon, sa Rome, ang Ika-159 Konseho ng Food and Agriculture Organization of The United Nations (FAO). Lumahok sa naturang pulong ang mga 300 katao na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa miyembro ng FAO at mga kinatawan ng Konseho ng FAO.


Ang tema ng naturang pulong ay “Pagpawi ng Kahirapan at Gutom, at Paggarantiya ng Karapatan sa Pagkain.” Sa pulong, isinalaysay ni Ou Qingping, Pangalawang Puno ng Poverty Alleviation Office ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang mga gawain ng Pamahalaang Tsino sa larangan ng pagpawi ng kahirapan. Sinabi ni Ou na nakahanda ang Tsina, kasama ng mga umuunlad na bansa, na ipagpatuloy ang pakikipagpalitan ng mga karanasan sa pagpawi ng kahirapan para malalim na pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa usaping ito.



Ayon sa estadistika ng FAO, hanggang sa kasalukuyan, mga 783 milyong tao ay namumuhay sa kahirapan.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino